October 6, 2019

sa pagitan ng mga plato at kutsara

natapos na ang hugasin pero parang madami pa ring lilinisin
pipiliting hugasan ng sabon at banlawan ng tubig
ang mga plato, baso, kutsara at tinidor na naging saksi
piping dilat na nakita at naramdaman ang laki at dami ng gutom

kasangkapan na naktihaya sa lamesa at naghihintay na malagyan ng laman
ang gamitin ng makaraos sa isang panahon ng kainan at tawanan
mamaya naman ay ililigpit na parang walang nangyari
nakataob sa lalagyan, tahimik at sa kainan na muling magigising

October 5, 2019

mga lusis at pailaw

sana huwag akong maaliw sa mga lusis at pailaw
ilang sandaling aliw at kailigayahan
pansamantala at mababaw
sa gunita ng kulay ka niya iiwanan

July 2, 2013

Alimuom sa damdamin


Magninilay, makikiramdam.
Magdarasal ng taimtim.
Magmumulat ng mata, magmamahal ng wagas.
Mabubuhay para sa iba.