February 7, 2009

sa puso lumaki

"Anak, tinatanong mo sa akin kung ampon lang kita?"

"Opo Inay, yoon po kasi ang sabi nila."

Mga tanong na sumusugat sa damdamin ng isang Ina. Tanong na ayaw niyang sagutin at marinig pa.

"Oo anak. Hindi ka man sa sinapupunan ko nagmula, sa puso nman kita pinalaki."

"Iyan din po ang sabi ng Lola, nung naikuwento niyang ampon ka rin niya."