Salin ni Novice Edward
Lining Dantis mula sa
“Your children are not
your children” ni Kahlil Gibran
“Hindi
inyo ang iyong mga anak,
Anak
sila ng buhay na nangungulila sa kaniyang sarili.
Nanggaling
sila sa pamamagitan ninyo
ngunit
hindi mula sa inyo,
nasa
piling man ninyo sila, ngunit hindi sila sa inyo.
Maaring
ibigay ninyo sa kanila ang inyong pagmamahal
ngunit
hindi ang inyong pag-iisip.
Sa
dahilang mayroon silang sariling isip.
Maibabahay
ninyo ang kanilang katawan
ngunit
hindi ang kanilang mga kaluluwa,
sa dahilang
nananahan ang kanilang kaluluwa sa kinabukasan,
na
hindi ninyo mabibisita,
kahit
maging sa panaginip.
Maari
ninyong subukang maging gaya nila,
ngunit
sikaping huwag gawin silang gaya ninyo.
Dahil
tumatakbo ang buhay ng pasulong
at
hindi nanatili sa nakaraan.
Kayo
ang pana kung saan inilulunsad ang inyong mga anak
bilang
buhay na palaso.
Nababanaag
ng mamamana ang tanda sa daan ng walang hanggan,
at
babatakin Niya kayo ng buo Niyang lakas
ng pumailanlang
ng malayo at mabilis ang Kaniyang palaso.
Hayaang
maging para sa kagalakan
ang
pagbatak sa inyo ng kamay ng mamamana;
Dahil
gaano man niya kamahal ang palasong pumapailanlang,
Ganun
din niya kamahal ang panang matatag.