September 29, 2008

celebration of life

noong isang linggo,
dalawang okasyon
ang pinuntahan ko.

naghatid kami sa libingan
doon sa nauna, binyagan
naman doon sa pangalwa.

isang sumuko na sa hamon
nakipagbuno lamang
sa loob ng 34 na taon

isang 8 buwan lang sa tiyan
pinilit na mabuhay
at nakuha ng lumaban