July 23, 2008

aalimoom muli

mahabang panahong tigang, tahimik at hindi halos dalawin
ng mga letra ang blog na ito. ni hindi man lang nababasa

pero nakaramdam ako ngayon ng unti unting tikatik at tikatok
sa bubungan ng aking isipan. pumapatak na muli

ang animo'y hamog ng alaala ay nariyan na. yumayakap na
sa aking pagkatao

muling binabasa ng gunita.

umaalimoom nang muli