September 18, 2012

Status Update: Happy =)

"Anak, nagbukas ako ng FACEBOOK kanina"

Isang buwan na ng turuan kong mag FACEBOOK ang Mommy.
 Sabi niya ay matanda na daw siya para dito.

"Ma, dito mo makikita ang mga pictures at kung ano na
ang nangyayari sa mga kamag-anak natin sa ibang lugar."

"Anak, Daddy mo . . . ininvite nya ako maging friend!"

Wow! Finally, nag blush ang Mommy after 5 years.

Ngayon ko na lang siya nakitang ganito
pagkatapos nilang mag divorce ng Daddy.

alimuom

aalimuom na ulit . . .

June 8, 2012

saan magmumula at saan patutungo mula dito

ilang panahon na ang lumipas, mga araw linggo at buwan. hanggang sa naging panahong tag-ulan at tag-araw at bumilang na ng taon. nanggaling sa bulakan noong ipinanganak pero sa makati city sa maynila lumaki, nagka-isip at nagsimulang magbinata.
ginugol ang pagmumulat ng isip sa quezon city pero mas nabuksan ang mata sa mundo sa recto ng mag kolehiyo. ginalugad ang university belt at nakarating hanggang sa taft at katipunan upang humanap pa ng mataas na karunungan. napad-pad sa novaliches ng magtrahabo at ng lumaaoy lumipat sa istasyon sa quezon city. dinala muli ang buong pamilya sa makati ng doon na manirahan.
hindi pa rin napakali at sumubok pumunta sa silang cavite at doon namalagi ng dalawang taon. ng matapos ay tumungo na sa bagtikan sa makati ngt anim na buwan, kulang na tatlong buwan sa cebu kung saan nagpasko, bagong taon at birthday celebration. dalawang buwan at kalahati naman sa davao namalagi at halos na mawili.
ilang linggo sa pamilya at kaibigan sa makati, limang araw sa baguio ckquote>para magdasal at magmuni-muni. dalawang araw sa vigan ilocos sur, nakipagkita sa mahal na kaibigan at kaniyang pamilya upang kahit sandali naman ay makahinga. binigyang muli ng pagkakataong makasama ang pamilya ng ilang araw, isang pagsalida para sa napipintong pagalis.
ngayon, bubunuin ang isang taon, labindalwang buwan, 52 linggo, 365 na araw.

February 26, 2012

my ferry

I took the ferry from the city to opon.
I love the view of the harbor at night,
city lights dimming as i leave the port.
The sound of the gushing sea as we take
the cruise is calming me.

The wind seems to be kissing my cheeks.
The people chatting began to sound like music.
Mactan bridge hangs majestically and the cross
of the nuestra senora de regla stood there,
lighted in blue waiting 4 me.

These sights will soon be gone,
will be just part of my memory.
I'm bidding soon cebu, adieu.