March 5, 2009

Blog Entry for Today

Maganda ang gising ko kahit puyat
na puyat ako kagabi. Siguro mga 4:30 na
ako ng umaga nakatulog. Isang katerbang
papers kasi ang dapat kong ipasa pagdating ng weekend. Nagsubmit din ako ng mga items ko sa Blog.

"Isang inuman lang ito ng kape at
handa na ulit ako para sumulat. Mamaya
na ako kakain sa Glorietta pagdating ko. Mas makaka-save pa kung altanghap na lang ang gagawin ko."

Araw-araw, ganito ang ruta ko sa
maghapon. Bahay at mall lang. Gigising
lamang para makapagsulat ulit at mai-send ang mga na isulat sa publications for
printing. Puro pang publish kasi ang mga sinusulat ko. Sa mga magazines, dyaryo, digests,
periodicals at bulletins na sinusulatan ko. May quarterly, monthly, weekly at daily. Mayroon ding depende sa
pag-update ko, ito naman yung mga nasa web based publishing.

"Maluwag ngayon dahil mid-week,
wala ang mga kakumpetensya ko sa upuan"

"Sir, your order please"

"1 burger steak, large fries and
large juice. Ano nga pala ang password nyo ngayon?"

"Hot Big Bang Flaming Burger is
Coming. Sir, one word lang po at small
caps po lahat"

Yun na ang susi ko sa maghapong
pag-oon line. Jingle lang ang break ko
sa pagitan ng pagsulat. Pagbukas ko ng
Mozilla, ayun na! Parang binuksang La
Mesa Dam. Naka-pag friendster, facebook,
email at nakapagsulat din sa blog na mine-maintain ko.

May malakas na pagsabog akong
narinig sa tabi ko, halos matulig ang mga tenga ko sa lakas. Pakiramdam ko ay
nasa tabi ko lang.

"Nayayanig na ang buong building,
kailangan ko ng mai-send ang entry sa blog na ito bago pa ako mahulugan ng
dingding dito"

Ito na yata ang huling blog entry na
maisusulat ko. Hindi ko na alam kung
makikilala o kung makikita nyo pa ako.

No comments: