January 29, 2013

ang inyong mga anak



Salin ni Novice Edward Lining Dantis mula sa
“Your children are not your children” ni Kahlil Gibran


“Hindi inyo ang iyong mga anak,
Anak sila ng buhay na nangungulila sa kaniyang sarili.
Nanggaling sila sa pamamagitan ninyo
ngunit hindi mula sa inyo,
nasa piling man ninyo sila, ngunit hindi sila sa inyo.
Maaring ibigay ninyo sa kanila ang inyong pagmamahal
ngunit hindi ang inyong pag-iisip.
Sa dahilang mayroon silang sariling isip.
Maibabahay ninyo ang kanilang katawan
ngunit hindi ang kanilang mga kaluluwa,
sa dahilang nananahan ang kanilang kaluluwa sa kinabukasan,
na hindi ninyo mabibisita,
kahit maging sa panaginip.
Maari ninyong subukang  maging gaya nila,
ngunit sikaping huwag gawin silang gaya ninyo.
Dahil tumatakbo ang buhay ng pasulong
at hindi nanatili sa nakaraan.
Kayo ang pana kung saan inilulunsad ang inyong mga anak
bilang buhay na palaso.
Nababanaag ng mamamana ang tanda sa daan ng walang hanggan,

at babatakin Niya kayo ng buo Niyang lakas
ng pumailanlang ng malayo at mabilis ang Kaniyang palaso.
Hayaang maging para sa kagalakan
ang pagbatak sa inyo ng kamay ng mamamana;
Dahil gaano man niya kamahal ang palasong pumapailanlang,
Ganun din niya kamahal ang panang matatag. 






No comments: