May 1, 2006

mayo uno

unang ulan ng mayo. unang pagsibol ng bulaklak. unang silip ng araw sa pisngi ng langit

enero noong unang masumpungang magsulat. nabansot at nabantulot. ayaw datnan ng malareglang pagkakataon, kahit sana minsan sa isang buwan

sa bagong pasok ng mayo, isang bagong simula ang darating. panibagong kabanata ang mabubuksan. iinog ang lahat sa bagong mundong pupuntahan. sa pagnanais na magsilbi sa diyos at sa bayan.

may mga nagitla at marami ang natuwa sa bago kong hatid na balita. mga tunay na kaibigan at kamag anak, walang pagsidlan kanilang galak. bakit daw ako aalis, ang panahon ay biglang bumilis.

may nais akong gawin matagal na. sa darating na araw ay matutupad na

No comments: