May 8, 2006

malayo man malapit din

walang lugar, panahon at espasyo
ang makapaglalayo sa akin at sa iyo
taon man ang bibilangin
pakiramdan ay gayun din

samahang ating nasimulan
'di mapuputol magpakailanman
noon, ikaw at ako
ngayon ay tayo

susuungin panibagong landas
haharap sa hamon ng bukas
itataguyod mabuting mithiin
para sa tao at bayan natin

ilayo man ako ng tadhana sa iyo
sa puso't kaluluwa magkapisan tayo
kapatid na totoo
iisang puso tayo

No comments: