May 6, 2006

paliwasan

sa aming bayan...

may isang baryong terminal lamang,
daanan, lunsaran at paradahan ng mga pangarap

dito ka iluluwal sa maliwanag
at aabutan ng kamulatan
pero magnanais na huwag doon masadlak
at pipiliting makaluwas sa ibang bayan

sa iyong pag-alis
dala ang pangarap ng kaginhawahan
ang bumalik sa baryong kinamulatan
na tagumpay ang pasan pasan

may mga nabigo
ang dalang pasalubong pag uwi
kung hindi man abo ay dugo

may mga nagtagumpay
dalang pasalubong ay bagong buhay
sarap ng pangarap ay lasap na tunay

sa baryong ito....

gigisingin ka lang para lumisan
pero puso at diwa
dito nanahan

No comments: