May 3, 2006

ilang fieldtrip na lang

parang isang malaking fieldtrip ito araw-araw. gigising ng maaga para makahabol sa school bus. kapag hindi ka umabot, mag commute ka mag isa mo at humanap ng sariling tour guide. excited ang lahat sumama, bagong ligo at bagong palit ng damit. amoy sabong mabango at preskong baby cologne. lahat excited na matuto at may madiscover na bago.

pero malapit na matapos ang field trip na ito. marami na kong nakitang tanawin na nagustuhan ko. nakaing masarap na putahe at napanood na nakapag-paliw sa akin. may mga payaso, seryosong artista, komedyante at romatiko. napalukso na ang aking dugo, napatibok ang puso at napadugo na rin ang aking nguso.

ilang ikot na lang sa fieldtrip na ito at makakuwi na rin ako.

No comments: