May 11, 2006

patlang

mahaba ang panahong lumipas
pagtitinginan ay hindi kumupas
nakakilala ng iba, nakalimot ng kusa
taon ang binilang, walang naging balita

dumating ang araw, muling nagkaniig
muling nahipuan, pusong nanlalamig
parang nakipag laro muli sa ulan
nakayapak, nagtatampisaw sa daan

kaibigan ay bumalik ng kusa
na parang nawalang pusa
bumalong ang luha ng hindi napapansin
dala ng damdaming inipon ng masinsin

sa pagitan ng taong pagkawala
damdamin ay lumago ng kusa
parang walang panahong nawala
pagkakaibigan pa rin ang sumpa

walang makapaglalayo sa puso
dumanak man ng dugo
o kapalaran man ay maglaro
ang samahan, tuluyang lalago

2 comments:

moonriver said...

tay,

it has been a long time. i haven't seen anything new here. might want to drop a line or something.

la lang,
owen

moonriver said...

atbp.
kailan tumitigil ang pagiging magulang sa anak?
at kailan tumitigil ang anak sa pagiging magulang?